persegido

persegido

12/04/2016

Ang Pakikipagsapalaran Para Sa Magandang Kinabukasan












Orihinal na kopya :

Ang Pakikipag sapalaran Para Sa Magandang Kinabukan

Sa buhay ng tao, Makakaranas tayo ng hirap at ginhawa. Mga problema’y tila sumusubok sa ating katatagan at mga suliraning nagpapalakas sa atin. Ito ang storya na kung saan ang lahat ng paghihirap ng isang estudyante ay isa sa susi sa pag-abot sa ating mga pangarap. 

Sa bayan ng San Diego, May isang batang may pangalang Kiko. Siya ay bata na iba sa lahat. Nag-aaral ng mabuti para din masuklian ang lahat ng paghihirap ng kanyang magulang. Siya ay nangungulila na sa ama at tanging kasama na lang nito ay ang kanyang ina at lola. Nang matapos niya ang elementarya, Siya ay tumungtong na ng hayskul na kung saan mas naranasan niya na ang hirap ng buhay at hirap ng isang estudyante. Naging maganda ang unang araw niya sa paaralan kaya nama’y sabik na siyang umuwi para makwento ang mga kanyang karanasan sa paaralan sa kanyang nanay. Ngunit pag-uwi niya’y tila wala naman ang kanyang nanay. Kaya nama’y hinanap niya ito at pagpunta sa kwarto’y may nakitang papel na naglalaman ng mensaheng sulat ng kanyang ina. 

“ Anak, pasensya na ah. Kailangan kasi talaga eh. Pumunta ako sa Saudi para magtrabo para sa’yo para mas maging maganda ang buhay natin.Aral ka mabuti ah. Alagaan mo sarili mo at lagi mong tandaan na nandyan lagi si mama sa tabi mo at mahal na mahal kita”.

Nang ito’y mabasa niya ay sobra ang iyak niya. Tuwing siya’y nasa klase natutulala nalang siya at hindi na nagseseryoso sa pag-aaral dahil sa pagka-ulila nito sa ina. Siya ay natutukso, nabubully at napapa-away na din sa kanilang paaralan. At ito’y nabalitaan ng kanyang lola kaya nama’y sinabi nito sa ina ng bata.

 Nag-usap sa telepono ang mag-ina “Anak , ano ba ang nangyayari sa’yo? Bakit hindi ka na nagseseryoso? H’wag kang mag-alala malapit na makaipon si mama mo. Alam ko namang naiintindihan mo ang sitwasyon. Mahal kita anak, ingat ka lagi”. 

Nanahimik lamang si Kiko habang umiiyak at dahil sa mga sinabi ng kanyang ina ay nagseryoso na siya. Sinabi niya sa sarili niya na mapapabilang siya sa mga natatanging mag-aaral (honors) para naman masuklian ang paghihirap ng magulang niya. Nang dahil dito nagsimula niya ng maranasan ang magkaroon ng sobrang daming takdang aralin at mga proyekto kaya nama’y nagsisipag siya kahit ang pagkain minsa’y nakakaligtaan na. Madalas na rin siyang gawing lider sa lahat ng mga gawain at kumpetisyon. Kaya nama’y halos araw- araw at gabi- gabi siyang pagod. Tila’y madalas gabi na rin siya nakakauwi dahil sa mga praktis. At nang bukas na ang kanilang mahabang pagsusulit, buong gabi siyang nag-aral at hindi na rin natulog. Hanggang sa maramdaman niya ang sobrang pagod na parang gusto niya na sumuko at biglang tumawag ang kanyang inay na sobrang nagbigay ng motibasyon at lakas sa kanya. Tila’y sakit sa ulo at hirap ng isang bagay ay napawi ng makausap nito ang ina. 

At nang tumungtong na siya ng ika-apat na baitang sa hayskul, mas nadama niya ang hirap ng isang estudyante. Mga report / pag-uulat na inaatas sa kanya ay kanyang lubos na ginagawa. Magdamagang paggawa ng visual aids at powerpoint. Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa pagiging direktor niya sa mga pagsasadulang kanilang ginagawa. At tumakbo at nahalal din siya bilang Presidente sa kanilang Student Council na sobrang sumubok sa kanyang katatagan at pagiging maayos na lider. Tila’y nakakalimutan niya na ang sarili at sariling kaligayahan niya. 

Sa huli siya ang itinuring na Valedictorian na sobrang nagpasaya sa kanya. At sumunod na araw ay idinaraos na ang pagpaparangal / graduation. At labis naman ang kanyang pagkalungkot dahil hindi makakasama ang kanyang ina sa pagakyat sa entablado at ito mismo ang magsabit ng mga medalya sakanya. At nang siya ay sasabitan na , labis ang kanyang pagkatuwa ng makita ang ina na tila’y papunta sa kanya kaya nama’y siya ay umiiyak habang sinasabitan siya ng kanyang ina ng lahat ng mga medalyang pinaghirapan niya. 

Tapos na lahat maparangalan at siya nama’y magbibigay ng kanyang talumpati. “ Isang magandang gabi sa inyong lahat. Ako’y labis na natutuwa ngayong gabi dahil lahat tayong mga estudyante ay makakatapos na ng hayskul. At syempre ay lubos din ang aking kasiyahan dahil narito ang taong inspirasyon ko at nagsilbing ilaw sa madilim kong daanang tinatahak, Siya ang aking ina. Hindi naging madali ang buhay  ng isang tao , isang estudyanteng katulad ko. Mga takdang aralin at mga gawain ay sobrang nakakapuhin at mga proyekto’y gayundin. Mga oras, araw at panahon ay isinakripisyo para sa kaaya-ayang grado . Ating mga paghihirap at pakikipagsapalaran ay kahit papaano’y ngayon masusuklian na. Buhay estudyante ay parang sundalo na kahit na nadapa ka dapat tumayo kapa. Pag may balang tatama ay iiwasan at dapat maging malakas at matatag para maharap lahat ng pagsubok. Lagi nating tandaan na “H’wag tayong mapagod sa kakahukay para saating pangarap , gaano man yan kalalim, magtiwala sa sarili na lahat ay mahuhukay din para sa pangarap na inaasam-asam natin” Maraming salamat sa inyong lahat”.




No comments:

Post a Comment