Ang paghihirap ng isang estudyante
Ni Danielle Sengco at
Joshua Asi
Heto na naman tayo sa panibagong taon
Ang buhay ng isang mag-aaral ay napakahirap
Mga hindi kaaya ayang sorpresa ngayon
Dahilan kung bakit tayo nagiging mailap
Bakit ba natin nasasabing ito ang nagpapahirap sa atin ngayon
Kung lahat naman ay kayang malagpasan sa buong taon
Marahil napapagod tayo sa sunud sunod na proyekto at gawain
Ngunit andiyan ang Diyos, halina't tayo'y manalangin
Nuong bata pa tayo
Ang paghihirap ay di pa gaano
Tila mabagal pa nga ang oras
At sa oras ng pagtulog, tayo'y puno pa ng lakas
Ngunit ngayong hayskul na tayo
Tila hinahabol tayo ng oras
Iyon bang akala natin ang pasahan ng proyekto ay malayo
Ayun pala malapit na, ay! malas
Ang isang taon ay mabilis na lilipas
Mga paghihirap, kami ay dumaranas
Sa paaralan naroon ang ating mga kaibigan
Nagsisilbing mga kapatid na hindi kadugo naman
Mga titser na nagsisilbing pangalawang magulang
At ang paaralan, nagsisilbing pangalawang tahanan
Ngunit sa kabila ng lahat ng paghihirap
Sa bawat pagsubok na kinakaharap
Mayroong aral na mapupulot
At bagong karunungang mahahakot
Tayong mga estudyante, tiis muna sa hirap
Dahil balang araw maaabot din natin ang ating pangarap
Huwag natin sayangin ang biyayang ito
Sasayangin pa ba natin ang pagkakataon?
Huwag natin kalimutan ang mga kapos palad
Sa kahirapan ay 'di makausad
Hindi man lang nakapagtapos mag-aral
Di natitiyak kung ang pangarap ay matutupad
Maswerte parin tayong mga estudyante
Ngunit hindi dapat makampante
Pagbutihin ang pag-aaral tayong mapapalad
Nang sa ganuon ay makamit ang hinahangad
No comments:
Post a Comment