persegido

persegido

12/06/2016

Ang bukas ng prinsipyo sa pag aaral ni Leander De Jesus at Mr. Ronn Tamayo

Ang pagabot sa pangarap at ambisyon ay nangangailangan ng sapat na kaalaman
Sa tamang prinisipyo at pagkilos o kung ano ang iyong pinaghirapan ay siyang bubuo sayo kahit kailan man
Lumusot sa ibat ibang klaseng butas ng karayom hangang sa magtagumpay sa iyong pangarap
Gaano man kahirap kailanan magsikap para sa pagdating ng hinaharap 

May maipagmamalaki ka sa iyong sarili at hindi maging problema ang pagahon sa hirap
Ang pag aaral ng mabuti ay isang solusyon para sa lahat ng tao, kayang baguhin ang buhay mo sa isanh iglap
Kahit ilang beses ang pag kurap ng mga mata mo sa pagsubok ng buhay 
Dadating ka sa  panahon na ang lahat ng hirap mo sa pagaaral ay may pinatunguhan

Ang pagsisikap na tunay ang magaahon sa bawat buhay ano mang estado
Basta't may kasipagan at busilak na puso, kaya mong gawing totoo ano man ang iyong balak sa mundong ito.
Katotoohanan ng mundo iyong tanggapin ng buong pagkatao nakasalalay sa iyo ang daang tatahakin
Sa malubak na daanan ng pagsisikap o sa patag na daan ng katamaran hawak mo ang kinabuskasan na iyong hahamakin

12/05/2016

KAKAYANIN! [Pakikipagsapalaran ng Isang Mag-aaral] ni Krystyn Reyes



LUNES AT BIYERNES

                                                        LUNES AT BIYERNES
                                             ni Fatima Cruz


Image result for student studying clipart
Araw ng Lunes
Araw ng Biyernes
Dalawang magagandang araw na minsa’y nakaiinis
Kung Lunes ay lagi na lang nagmamadali
at tila sinisilaban ang katawang di mapakali.

ano baga’t ang araw na ito ay minsang kinababagutan 
ng mga guro at mga mag-aaral
pag sinabing Lunes ay nariyan nag-aabang 
ang kayraming gawaing lubhang kinaaayawan.

Bagaman kung minsa’y laging hinihintay 
ang pagdating at pagdapo sa bawat kamay
kung may balitang magandang pakinggan
ang Lunes ay minamarapat na agad makamtan.

Sa kabilang dako ang Biyernes naman ay kaytagal
dumapo sa makakalyong kamay
mga kamay na napagod sa isang linggong paglalakbay
kasama ang isip na nanlulupaypay.

12/04/2016

IKAW AT AKO: BILANG ISANG ANAK AT MAG AARAL ni Elaine Tuzon at Jef Dominic Mariano

Maging isang anak at mag aaral hindi biro para sa amin
Madali man tignan, ngunit mahirap gampanin
Bawat responsibilidad ay nararapat gawin
Hamon ng buhay ay dapat na sikapin.

Tayong mag aaral ay dapat mahing masinop at masipag
Dahil ang pag aaral ang susi sa ating pag unlad
Hindi nababase ang galing ng estudyante sa grado niya sa klase
Kundi ito ay nakikita sakanyang mga diskarte

Mapagmahal, masinop at magalang
Tuwa at kasiyahan hatid sa magulang
Bawat tagumpay labis na ikinagagalak
Iyan ang isang tunay at maipag mamalaki mo na anak

Oras at panahon ay buong lakas na inilalaan
Para sa mga dapat na pagkaabalahan
Bawat pag gawa ay pinahahalagahan
Anumang pagod, sa huli ay may kaginhawaan

Tayo bilang isang anak at ang aaral
May tungkulin na dapat gawin, 
Mahirap kung isipin  madali kung gagawin
Sa lahat ng pag subok pangakong haharapin
Nang sa gayon ay mas lalo pa tayong patatagin

Halina't gumising na sa maling gawain
Mag simula ng panibagong itatanim upang may anihin
Maging isang modelo sa kapwa tao
ako, ikaw, tayong lahat ang pag asa ng sambayanang pilipino

Makipagsapalaran ka, Perse!


Makipagsapalaran ka, Perse!
ni Rhianne Jewel Alcantara at Quinn Allyjayne Chua Tan Guat


⇎⇎⇎

Marahil ay gasgas na itong paksa na sasambitin
Natalakay na ng maraming beses din 
Ngunit narito ako para ipaalala muli
Itong pagkakataon na 'di basta nakukuha ng marami


Tulad mo ako rin ay isang ordinaryong estudyante
Binibigay ang lahat para sa gradong ekselente
Pero hindi ito nakukuha sa isang iglap
Maiiyak muna sa sobrang hirap


Puyat, utak, at oras ang naging puhunan
Walang mangyayari kung 'di ka makikipagsapalaran
Sa aklat, guro, at magulang doon lahat inutang 
Sa huli, napawi din lahat ng kapaguran


Itong taon, tinuruan mo akong itaya
Ang mga bagay na 'di ko inakala
Kaya sinubukan at nagulat ng 'di nabigo
Lahat ng pangamba ay naglaho


May mga pangyayaring 'di maganda
Meron din namang sobrang saya
Ngunit mas lamang ang hirap
dahil dito, tinulak ako upang mas magsikap


'Kay bilis ng panahon
Tatlong buwan na lang itutuon
Ang lahat ng atensyon 
Sa bawat leksyon


Masakit mang isipin
Darating sa punto na ating lilisanin
At wala nang magagawa pa
Kung 'di balikan na lamang ang mga araw na masaya


O' pangkat Pursigido, maraming salamat sa iyo
Taong 2016-2017 sa amin mo ipinatamo 
Ang 'di inaasahang mga pagkakataon
Na magpapabago sa dapat naming itungo


Sa inyo din, mahal na guro, Gng. Raqueliza Permejo
Sa walang hanggan mong panunuyo
At pagmamahal mo sa seksyong ito
Nawa'y maramdaman mo ang aming pagmamahal na totoo


⇎⇎⇎

Tula Ng Isang Mag-aaral



Tula Ng Isang Mag aaral
ni France Ramos & Lance Serrano
ako ay isang mag aaral na nangagarap hangad ay maayos na kinabukasan para sa hinaharap ay di maghirap nang ako ay walang pag sisihan bukas sa paaralan ako ay nag aaral bagong kaalaman aking natututunan araw araw ngang nagsisikap ng lubos sa mga pag susulit ay di sumusuko buhay ko'y wala pang kasiguraduhan kaya ngayon ay pinag sisiskapan sa diyos ako'y humihingi ng gabay para sa aking mahabang pag lalakbay aking ama't ina salamat sa lahat utang na loob ko aking buhay di man kasing talino ni jose rizal sisikapin makamit ang minimithi mga kamag aral wag na mag patumpik tumpik pag aaral muna ang asikasuhin nang ating mga magulang hindi malungkot upang pangarap ay aking makamit at para sa mga aming mabuting guro salamat sa maliligayang pag tuturo para sa mag aral na katulad ko hangad ko ay kaginhawaan ninyo

Ang Pakikipagsapalaran ng Anak sa Pag-aaral

Ang Pakikipagsapalaran ng Anak sa Pag-aaral
PJ Panao


"Mag-Aral Ka"


“Mag-Aral Ka”
(Ang Pakikipagsapalaran ng Isang Estudyante sa Kahirapan)
Korina Dela Cruz & Herlyn De Guzman


Enero 1, ______

Isinilang ako mula sa sinapupunan ng aking mahal na ina noong ika-30 ng Disyembre sa taong _____, sa isang maliit na lungsod na makikita sa kadulo-dulohan ng Pangasinan. Sa tuwing aalahanin ng aking mapagmahal na ina ang aking kaarawan, lagi niyang ikwinekwento saakin na ako ang pinaka masakit na pinanganak sa aming magkakapatid. Sa akin niya ito’y isasalaysay at ni minsan hindi niya ako sinisi sa kanyang sinapit noon. Ako’y nagulat pa nga nang hinalikan niya ang aking pisngi at sinabing, “Hindi ko malilimutan iyon, anak. Kahit man parang hinampas ako ng isang mabagsik na latigo sa aking mga balat, ang kinalabasan naman ng pagdurusang ito ay ang iyak mong parang hulog ng langit.” At saakin niya lang ito nilihim. Ang aking mga kapatid ay sina Istak, Andres, Hulio, Elena at ako naman ang pinaka bunso. Si Kuya Andres ay dalawampu’t limang taong gulang na at isang magsasaka sa lupa ni Don Carlos at ang katulong niya dito ay si Kuya Hulio. Isang gabi, sila’y umuwi sa aming maliit na kubo,  pagod na pagod at tila dumudugo ang kanilang katawan. Nang gabing iyon, tinanong ko si Kuya Andres kung bakit ganoon ang kanilang kalagayan ni Kuya Hulio.

“Bakit mo naman naitanong iyan, bunso?” Kanyang tinanong saakin, sinusubukang ngumiti. Hinawakan ko ang kanyang sugat sa braso na tila parang kinalmot ng isang marahas na hayop. Nang naramdaman ang aking kamay, siya’y ngumiwi.

“Tignan mo, Kuya. Hindi po maipagkakaila ang iyong mga sugat. Ano po ba ang ginawa niyo ni Kuya Hulio?”

Ngumiti siya saakin, at hinagod ang aking buhok, “Balang araw, bunso, malalaman mo rin. Ngunit ipagpatuloy mo nang basahin ang mga libro mo. Huwag ka nang mag-alala saamin.” Sinunod ko ang aking Kuya at pinagpatuloy ang pagbabasa tungkol sa siyensiya. Ako’y musmos pa lamang noong panahon na iyon. Wala akong kaalam-alam kung ano ang nangyayari sa mundo at kung gaano kalupit ang magiging buhay ng isang batang pinanganak sa mahirap na probinsya.

Ang aking Kuya Istak naman ay hindi na namin nakikita. Simula nang pumunta dito ang mga sundalo at ninais na kunin ang aming matandang ama upang magsilbi sa kanila, si Kuya Istak ay walang takot na pumalit sa pwesto ni tatay. Ang kanyang sinambit ay mga salitang hindi ko malilimutan; “Ang pag-sisilbi sa bayan ay hindi dapat kinakadena sa isang tao,” hinarap niya ang mga naka unipormeng mga lalaki, “Ako ang papalit sa aking ama dahil ilang beses na siyang nanilbihan bilang tagagawa ng pagkaing inyong hinahain, pero wala man lang kahit isang piso ang naibigay sakanya. Hindi niyo muli maloloko ang aking ama, hindi ito mauulit.” Tinignan ng matulin ng mga sundalo ang aking Kuya at bumulong sa isa’t isa. Niyakap ako ng aking ina habang pinapanood ang nangyayari mula sa aming bintana. Nakita ko na tinaas ng isang sundalo ang kanyang kamay papunta sa mukha ng aking Kuya ngunit hindi ko alam ang sumunod dahil tinakpan ni ina ang aking mga mata at narinig ko ang pighating hiyaw niya. Pagkatapos noon, hindi na muli namin nakita ang aming panganay na kapatid at ang kanyang katapangan. Sinabi sa akin ni ina na darating siya sa takdang panhon, maghintay lamang kami.

Ang aking iisang ate naman na si Ate Elena ay ang pinakamagandang babae sa bayan namin. Mistulan siyang isang bulaklak na pinalilibutan ng mga dahong iisa ang kulay. Kung ngumiti siya para bang liliwanag ang iyong buhay at malilimutan mo ang mga problemang nakapasan sa balikat mo. Kamukha siya ni ina. Simula nang magdalaga siya, pinadala siya ni ina sa Maynila upang pag-aralin doon, sa tulong ng salaping inutang kay Don Carlos. Malungkot si Ate nang malaman niya na mawawalay siya saamin at umiyak ng umiyak sa dibdib ng aming ina. Pinunasan ni Inay ang mga pulang mata ni Ate at hinalikan ang kanyang noo. Kinabukasan, hinatid si Ate ng isang kartero papuntang Maynila at makikita mo sa kanyang mala-anghel na mukha na pinipilit niyang hindi umiyak sa harap namin. Sa harap ko. Niyakap niya si ina at niyakap niya ako ng mahigpit.

“Bunso, ikaw na ang bahala kay nanay. Walang mag-aalaga sa kanya dahil ngayon aalis na ako. Magbasa ka nang magbasa at matuto ka nang matuto. Mag-aaral ka dahil saamin.” Binulong niya sa akin.

“Dahil sainyo? Sino-sino?” Tinanong ko siya.

“Mag-aral ka.” Ito ang mga huling salita niya sa akin. Tinawag na siya ng kartero at lumisan na patungo sa Maynila na kung saan walang nakakaalam kung ano ang hitsura at kung ano ang magiging kapalaran ng Bulaklak ng Pangasinan.

Ako at si Ina nalang ang nakatira sa maliit na kubo namin. Ilang pasko narin kaming magkasamang dalawa. Namatay ang aking Kuyang si Andres sa rason na hindi ko alam at maintindihan. Si Kuya Hulio ay umalis, hindi na bumalik sa piling ng kanyang pamilya. Si ina ay laging nakatanaw sa bintana, tinititigan ang mga bundok at ang palayan na hinding-hindi magiging amin, habang ako, ang kanyang bunsong anak, ang anak na nagbigay sa kanya ng kasakitan nang isinilang niya, ay nasa kabilang parte ng bahay, nagbabasa ng mga libro.

Pinag-aral ako ng aking pamilya sa isang eskwelahan na may kaunting kalayuan sa aming kubo. Kailangan kong maglakad, umakyat sa kagilid-gilidan ng bundok, tumawid sa manipis na tulay na ginawa ng mga naninirahan doon at maglalakad muli. Walang binibigay saakin ang aking ina na pera para sa aking transportasyon at pagkain subalit sapat na na makapunta ako sa eskwelahan na makikita sa gilid ng dagat. Nakakahiyang isipin na ako lang ang may sitwasyon na ito. Halos lahat ng aking mga kamag-aral ay mga anak ng maasensong pamilya at ang iba’y anak pa ng mga opisyales sa Pangasinan! Sila’y nakasuot ng itim na sapatos, akin ay tsinelas lamang. Nais ng aking ina na bilhan ako ng sapatos na pamasok at ito ay ang naging regalo niya sa aking nakalipas na kaarawan. Nang malaman ko ang halaga ng sapatos na ito, pumunta ako sa palengke at nag-makaawa sa sapatero na kunin ang sapatos at ibalik ang pera. Naawa naman siguro ang sapatero kaya’t binigay niya ito ngunit sa kalahating halaga lamang, kahit hindi pa ito nagagamit. Nang malaman ni ina, sinampal niya ang aking mukha.

“Bakit mo binalik ang sapatos? Para sa iyo ‘yon!” Hinaplos niya ang namumula kong pisngi na kung saan ang kanyang kamay ay bumigay at niyakap niya ako. Nagsimula siyang umiyak habang ang mga braso niya’y nakabalot saakin.

“Ina, may tsinelas po ako dito. Nagagamit ko pa po iyon. Hindi po natin kailangan ng sapatos. Isa lamang ‘yong...pagsasayang ng pera” Aking sinabi.

“Ngunit… ngunit… sa iyong karawan!” iyak ni ina.

“Sa aking kaarawan ay masaya na po ako dahil niluto niyo po ang paborito kong ulam na Adobo. Masaya na po ako dahil kasama ko po kayo at hindi po ako nag-iisa katulad po ni Ate na nasa Maynila.” Nag-iba saglit ang mukha ni ina pero ngumiti siya saakin.

“Bunso, bunso…” niyakap niya muli ako ng mahigpit.

Minsan na akong tuksuhin ng aking mga kaklase. Tungkol sa aking tsinelas, tungkol sa aking gusot-gusot na damit, tungkol sa aking maitim na kompleksyon kahit na ang iba naming kamag-aral ay ganoon din ang kulay ng mga balat. Sinabihan nila ako na ako’y hindi karapa’t dapat sa paaralang iyon dahil hindi daw mayaman ang pamilya ko.

“Oy, negro. Mayaman ka? Hindi ka ba nahihiya na ganyan ang itsura mo? Sinabi ko sa aking magulang na may kaklase akong mas mukhang pulubi pa sa pulubi… o isa ka talagang pulubi?” habang sila’y nagtawanan, pinag-patuloy ko ang pagbasa tungkol sa espanya. “Hindi ka bagay sa eskwelahan na ito! Hindi ka mayaman katulad ng pamilya namin!”

Tumayo ako at hinarap ang kanyang mabungisngis na pagsasalita. “Kung ganoon, Antonio Feliz,” ang pangalan niya’y parang aking dinura, “Hindi ka rin bagay sa bansang ito dahil hindi ka purong Pilipino.” Walang nakarinig sa amin kundi ang iba naming mga kamag-aral. Kung may nakarinig man saamin, ako’y mapapatalsik sa eskwelahan at masisira ang kinabukasan na gusto ng aking pamilya. Hindi na ako pinansin ni Antonio, anak ng isang kilalang heneral, simula noon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako’y nag-aaral sa ganitong paaralan. Kami’y mahirap lamang at mas mahal pa ang pag-aaral ko kaysa sa buhay ng isang dukha na katulad ko.

Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa hayskul. Ako ang nasa pinakahuli sa listahan noon, ngunit ito ay mahalaga na sa akin dahil nakapasa papuntang kolehiyo. Si Antonio Feliz ay naging ekselenteng estudyante kahit ang kanyang ginagawa sa loob ng silid ay nakakasira sa halaga ng pagtitiyaga at insulto sa lahat ng katalinuhan. Inilahad ko ito sa aking ina habang siya ay nakatitig sa silangan.

“Anak, ang mahalaga ay alam mo ang tinuturo sa iyo,” sabi niya saakin, “Hindi mahalaga ang titulo. Ikaw, bilang anak ko… Ang anak kong mahal ang lahat sa mundo… Mabubuhay ka dahil alam mo ang tama at mali. Mabubuhay ka… mabubuhay…” bigla nalang naglabas ng sigaw si ina na parang isang hayop na nakakararanas ng matindig sakit.

“Inay! May nararamdaman po ba kayo?” tinanong ko siya habang kinakalma ang kanyang katawan.

“Elena… Si Elena… buhay pa siya…”

“Opo, Inay. Si Ate ay nasa Maynila lamang.”

“Nakita ko siya dito! Nagpaalam! Elena! Ang anak ko!” Walang tigil na hinampas ni ina ang nakapalibot sa kanya. Doon ko lamang nakita na may hawak siyang papel. Kinuha ko ang naka-bilog na papel at binasa.

Ina, Andres, at Hulio,
Nay, patawarin niyo po ako sa aking gagawin. Lubid sa aking ulo, alam niyo na po iyon. Wag niyo nalang po  sabihin sa aking nakababatang kapatid.
Mahal ko po kayo.
- E

Tinignan ko mabuti ang papel at binasa ng paulit-ulit. Wala akong maintindihan sa isinulat ng aking Ate subalit may nararamdaman ako kung ano ang ibig-sabihin nito at hindi ko ito matatanggap.

“Ina? Asan po si Ate Elena?” tinanong ko, hawak parin ang papel na dapat kong sunugin. Hindi sumagot si ina. “Asan po si Ate Elena? Nasa Maynila parin po ba siya?”

“Wala na…wala na siya…” bulong niya.

“Inay? Asaan po ang ate ko?” Pinuntahan ko siya sa kanyang upuan, hinimas ko ang kanyang buhok hanggang siya ay tumigil umiyak, katulad ng kanyang pag-tiyagang kantahan kami ng hele noong bata pa kami.

“Diyos ko, aking anak… ika’y madaming nalalaman tungkol sa iba’t ibang asignatura. Ngunit pinagkaila naming sabihin sa iyo ang tunay na nangyari noon.” himig niya. Tinitigan ko ang mata ng aking nanay upang malaman na hindi siya nag-iisip ng mga bagay na kung saan pinapalit niya ito sa kanyang pagdurusa.

“Anak,” binanggit ng aking malungkot na ina at nagpatuloy sa pagkwento.

Habang ang mga ibon ay patungo na sa kanilang tahanan sa itaas ng mga sanga, habang ang mga puno’y sumasayaw sa paghampas ng hangin, nalaman ko ang tunay na kwento ng pamilya namin.

            Noong gabing bumalik sa tahanan naming sila Kuya Hulio at Kuya Andres, na puno puno ng pawis at dugo ang kanilang mga katawan, nalaman ko na sila’y inapi ng kanilang amo. Tinawag silang mga “mang-mang” ni Don Carlos dahil sa pag-kakamaling ilagay ang mga palay sa tabi ng kanilang bakod.

            “Hindi niyo ba alam ang mangyayari sa mga palay na iyan? Iniwan niyo lang magdamag, hindi niyo man lang binantayan!” wika ng nagagalit na si Don Carlos. Kinuha niya ang isang pala at hinampas si Kuya Andres sa kanyang likuran. Nang makita ni Kuya Hulio ang ginawa ng kasero kay Kuya, ninais niyang magmakaawa nalang dahil alam niya na pag lumaban pa siya, mawawalan sila ng trabaho at pag nawalan sila ng trabaho sa lupa ni Don Carlos, mawawalan ng pagkain at hindi makakapag-aral ang kanilang mga nakababatang kapatid. Lumuhod si Kuya Hulio sa harap ni Don Carlos habang nakikita niya ang dugong lumalabas sa likod at braso ni Kuya Andres.

            “Patawad po, Manong. Hindi na po namin iyon uulitin.” Ang makaawa ni Kuya Hulio, kanyang ulo’y nakatingin sa lupa.

            “Makakapal ang mukha! Huwag na kayong babalik dito! Ilang beses niyo nang inulit ‘yan at ano ang katwiran niyo? Dahil may sakit sa puso ang kapatid mo? Ha! Mga sinungaling! Mga mang-mang!” sigaw ng maylupa. Kumislot ang mukha ni Kuya ngunit hinaayaan niya lang ang insulto ay lumipas.

            Pero mali si Don Carlos. Hindi mang-mang ang aking mga kapatid. Natuto silang mag-basa at mag-sulat gamit lamang ang isang Bibliya. May kaalaman sila kung gaano kaimportante ang magandang ugali sa kapwa. Hindi man nakapag-aral sa eskwelahan dahil sa kakapusan sa pera ngunit hinanap nila ang edukasyon at hindi ang pisikal nitong simbolismo. Pagkalipas ng ilang linggo, namatay si Kuya Andres dahil sa sakit sa puso at pagkatapos ng ilang araw, lumisan si Kuya Hulio upang maghanap ng hanap-buhay ngunit siya’y nabaril ng mga rebelde habang papunta pabalik saamin mula sa kabilang parte ng Pangasinan. Ang sabi-sabi sa bayan doon ay niloko ang aking kapatid, at dahil sa malinis na kalooban ng aking Kuya, nahulog siya sa patibong. Nais nakawin ng mga rebelde ang kakaunting salapi ni Kuya, pero hindi siya pumayag.

            “Para sa pagkain at pag-aaral ng kapatid ko ang perang hawak ko ngayon. Hindi niyo basta-bastang makukuha ang salaping pinaghirapan ko gamit ang dugo at pawis ko.” Kalamadong sinabi ni Kuya sa mga lalaki. Sa kasamaang palad, madami talagang masasamang tao na naninirahan sa mundo. Binaril si Kuya at inilibing sa tabi ng gubat na hanggang ngayon ay hindi parin nahahanap. Ang kapalaran ni Kuya Hulio ay katulad din ng sinapit ng aming panganay na kapatid na si Kuya Istak. Kahit man na may kutob ako noon na malaki ang nasapit ni Kuya, ayaw kong paniwalaan na siya’y pinahirapan ng mga sundalong bumisita sa bahay namin sa araw na iyon.

            Ang kwento naman kay Ate Elena ay ang istoryang lumubog sa aking puso. Siya’y pumunta sa Maynila upang mag-aral. Ngunit, ayun ang alam namin ni ina. Nang makatungtong na sa lungsod ng Maynila, nag-aral naman si ate gamit ang perang binigay ni ina sakanya bago siya lumayo sa amin. Subalit naubos ang pera, hindi pinaalam ng aking ate dahil nahihiya siya humingi kay ina dahil alam niyang inutang lang ang pag-aaral niya. Tinanong niya ang kanyang amo niya sa Maynila na kung maari siyang pag-aralin at patirahin sa kanyang bahay, at ang kapalit ay ang kanyang pagiging katulong sa bahay. Pumayag naman ang kanyang babaeng amo. Nasiyahan si Ate sa sagot ng matanda kaya nagtiyaga siya muli sa pag-aaral. Nagpadala pa minsan ng pera sa amin noong pasko para sa pag-aaral namin. “Ibinigay ni Donya Isabela kapalit ng aking serbisyo at dahil darating na ang kapaskuhan,” nakalagay sa sulat na may kasamang salapi, “Kunin niyo po at itabi para sa edukasyon ni bunso. Maligayang Pasko.” Matatapos na sana ng aking ate ang kursong kanyang kinuha ngunit madilim ang sumasalubong sa kanyang paglalakbay. Dumating ang anak ng kanyang amo at tila ba’y pinagsalamantala ang Ate kong walang kalaban-laban sa higpit ng kanyang hawak. Nawalan ng gana si Ate Elenang mag-aral. Ang kanyang mga grado ay bumagsak, lagi lamang naglilinis ng bahay ng kanyang amo at makikitang nakakulong sa kanyang maliit at madilim na silid, nagtatago sa realidad, hindi na kayang harapin ang buhay. Napansin ito ng kanyang matandang amo. Wala nang nagawa si Ate at nagsumbong sa ginawang karahasan ng kanyang mismong anak. Sa halip na kaawaan ang babaeng nasa harap niya at bigyan ng simpatya, pinalo si ate sa kanyang kaliwang mukha at ininsulto ng mga salitang hindi karapat-dapat na marinig ng isang anghel na hindi nagkasala. Pinalayas siya sa kanilang tahanan at natulog nalang kung saan-saan. Siguro’y nakalimutan ni Ate Elena na may pamilya pa siyang maari niyang puntahan dahil siya’y nagpakamatay gamit ang isang lubid na itinali sa puno. Ang kanyang huling bilin ay nakasulat sa isang liham na nakita ko sa kamay ng aking ina kanina lamang.

            Sa pagkwento ng aking ina, dito ko nalaman na ang mga kapatid kong sila Istak, Andres, Hulio at Elena, ay sinuportahan ang edukasyon ng kanilang nakababatang kapatid. Ang sakripisyong karapatan din nilang makuha, subalit ibinigay ang kanilang lahat para sa akin, para sa edukasyon na hindi man lang nila matitikman. Aking pangako sa aking pamilya—mga kuya, ate, ina at itay—ang aking buhay ay iaalay ko sa kinabukasang ninanais ninyo sa akin. Sa pag gising ng umaga mamaya, sa pag-tilaok ng manok sa katabing bahay, ako’y babalik sa Maynila at maglalakad papunta sa entablado, kukunin ang isang papel na nakarolyo at babalik muli sa piling ng aking nanghihina na nanay, magtatayo ng maliit na paaralan at magtuturo sa mga batang kasing tapang ni Kuya Istak, kasing galing ng pagtaguyod ni Kuya Andres, katulad ng panatag na pagkatao ni Kuya Hulio at kasing tiyaga at kasing liwanag ni Ate Elena. Ang aking payo bago ko umpisahan ang aking pagbabalik, hindi lamang saiyo, mambabasa, ngunit sa lahat ng tao rin, na huwag kayo mawalan ng loob at mahalin ang inyong mga nalalaman dahil katulad ng sinabi ng isang tanyag na tao na ang edukasyon ay ang pinakamataas mong armas na maari mong gamitin upang baguhin ang mundo. Kaya’t aking kababayan, buksan ang inyong mga libro, takpan ang anino ng kasakiman at mag-aral ka.


 Maligayang Bagong Taon,
_____________

Ang Pakikipagsapalaran Para Sa Magandang Kinabukasan












Orihinal na kopya :

Ang Pakikipag sapalaran Para Sa Magandang Kinabukan

Sa buhay ng tao, Makakaranas tayo ng hirap at ginhawa. Mga problema’y tila sumusubok sa ating katatagan at mga suliraning nagpapalakas sa atin. Ito ang storya na kung saan ang lahat ng paghihirap ng isang estudyante ay isa sa susi sa pag-abot sa ating mga pangarap. 

Sa bayan ng San Diego, May isang batang may pangalang Kiko. Siya ay bata na iba sa lahat. Nag-aaral ng mabuti para din masuklian ang lahat ng paghihirap ng kanyang magulang. Siya ay nangungulila na sa ama at tanging kasama na lang nito ay ang kanyang ina at lola. Nang matapos niya ang elementarya, Siya ay tumungtong na ng hayskul na kung saan mas naranasan niya na ang hirap ng buhay at hirap ng isang estudyante. Naging maganda ang unang araw niya sa paaralan kaya nama’y sabik na siyang umuwi para makwento ang mga kanyang karanasan sa paaralan sa kanyang nanay. Ngunit pag-uwi niya’y tila wala naman ang kanyang nanay. Kaya nama’y hinanap niya ito at pagpunta sa kwarto’y may nakitang papel na naglalaman ng mensaheng sulat ng kanyang ina. 

“ Anak, pasensya na ah. Kailangan kasi talaga eh. Pumunta ako sa Saudi para magtrabo para sa’yo para mas maging maganda ang buhay natin.Aral ka mabuti ah. Alagaan mo sarili mo at lagi mong tandaan na nandyan lagi si mama sa tabi mo at mahal na mahal kita”.

Nang ito’y mabasa niya ay sobra ang iyak niya. Tuwing siya’y nasa klase natutulala nalang siya at hindi na nagseseryoso sa pag-aaral dahil sa pagka-ulila nito sa ina. Siya ay natutukso, nabubully at napapa-away na din sa kanilang paaralan. At ito’y nabalitaan ng kanyang lola kaya nama’y sinabi nito sa ina ng bata.

 Nag-usap sa telepono ang mag-ina “Anak , ano ba ang nangyayari sa’yo? Bakit hindi ka na nagseseryoso? H’wag kang mag-alala malapit na makaipon si mama mo. Alam ko namang naiintindihan mo ang sitwasyon. Mahal kita anak, ingat ka lagi”. 

Nanahimik lamang si Kiko habang umiiyak at dahil sa mga sinabi ng kanyang ina ay nagseryoso na siya. Sinabi niya sa sarili niya na mapapabilang siya sa mga natatanging mag-aaral (honors) para naman masuklian ang paghihirap ng magulang niya. Nang dahil dito nagsimula niya ng maranasan ang magkaroon ng sobrang daming takdang aralin at mga proyekto kaya nama’y nagsisipag siya kahit ang pagkain minsa’y nakakaligtaan na. Madalas na rin siyang gawing lider sa lahat ng mga gawain at kumpetisyon. Kaya nama’y halos araw- araw at gabi- gabi siyang pagod. Tila’y madalas gabi na rin siya nakakauwi dahil sa mga praktis. At nang bukas na ang kanilang mahabang pagsusulit, buong gabi siyang nag-aral at hindi na rin natulog. Hanggang sa maramdaman niya ang sobrang pagod na parang gusto niya na sumuko at biglang tumawag ang kanyang inay na sobrang nagbigay ng motibasyon at lakas sa kanya. Tila’y sakit sa ulo at hirap ng isang bagay ay napawi ng makausap nito ang ina. 

At nang tumungtong na siya ng ika-apat na baitang sa hayskul, mas nadama niya ang hirap ng isang estudyante. Mga report / pag-uulat na inaatas sa kanya ay kanyang lubos na ginagawa. Magdamagang paggawa ng visual aids at powerpoint. Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa pagiging direktor niya sa mga pagsasadulang kanilang ginagawa. At tumakbo at nahalal din siya bilang Presidente sa kanilang Student Council na sobrang sumubok sa kanyang katatagan at pagiging maayos na lider. Tila’y nakakalimutan niya na ang sarili at sariling kaligayahan niya. 

Sa huli siya ang itinuring na Valedictorian na sobrang nagpasaya sa kanya. At sumunod na araw ay idinaraos na ang pagpaparangal / graduation. At labis naman ang kanyang pagkalungkot dahil hindi makakasama ang kanyang ina sa pagakyat sa entablado at ito mismo ang magsabit ng mga medalya sakanya. At nang siya ay sasabitan na , labis ang kanyang pagkatuwa ng makita ang ina na tila’y papunta sa kanya kaya nama’y siya ay umiiyak habang sinasabitan siya ng kanyang ina ng lahat ng mga medalyang pinaghirapan niya. 

Tapos na lahat maparangalan at siya nama’y magbibigay ng kanyang talumpati. “ Isang magandang gabi sa inyong lahat. Ako’y labis na natutuwa ngayong gabi dahil lahat tayong mga estudyante ay makakatapos na ng hayskul. At syempre ay lubos din ang aking kasiyahan dahil narito ang taong inspirasyon ko at nagsilbing ilaw sa madilim kong daanang tinatahak, Siya ang aking ina. Hindi naging madali ang buhay  ng isang tao , isang estudyanteng katulad ko. Mga takdang aralin at mga gawain ay sobrang nakakapuhin at mga proyekto’y gayundin. Mga oras, araw at panahon ay isinakripisyo para sa kaaya-ayang grado . Ating mga paghihirap at pakikipagsapalaran ay kahit papaano’y ngayon masusuklian na. Buhay estudyante ay parang sundalo na kahit na nadapa ka dapat tumayo kapa. Pag may balang tatama ay iiwasan at dapat maging malakas at matatag para maharap lahat ng pagsubok. Lagi nating tandaan na “H’wag tayong mapagod sa kakahukay para saating pangarap , gaano man yan kalalim, magtiwala sa sarili na lahat ay mahuhukay din para sa pangarap na inaasam-asam natin” Maraming salamat sa inyong lahat”.




Isang Kasinungalingan


Ang Buhay ng Isang Hayskul

Ang buhay ng Isang highschool
 Dominic Lim 

Mag aapat na taon na nung simula akong pumasok dito sa paaralan na ito marami na akong nakilala at naging kaibigan

Siyempre sa apat na taon na iyon sila-sila rin ang mga naging kakaklase ko pero iba ako sa mga taong nakikita ko sa iskwelahan na iyon ako ang tipo na tao na marunong pumili kung sino ako ang kakaibiganin. Ako ang taong hindi nang-iiwan sa aking mga kaibigan. Pero sa apat na taon na iyon marami pa rin hindi nag-babago sa iskwelahan na aking pinapasukan nandoon pa rin naman ang mga nang-aasar. At ang mga nag-papasaya sa klase tuwing nakakatamad ang itinuturo. Naging Masaya ang aking highschool salamat sa mga taong ito. pero hindi lahat ng estudyante ay ganto ang nararamdaman. Mayroon din mga tao na napakalungkot nang kanilang buhay dahil sa mga problemang dinadala nila. Ano nga ba ang pwedeng maitulong sa mga taong ganito sa aking pinapasukan na eskwelahan siguro kailangan maging bukas ako sa mga taong ganito mga taong. Nag-iisa, palaging pinag-kakaisahan ng mga kaklase. Siguro kailangan ko maging matulungin sa mga taong ito.

MGA BAGAY NA HINDI MAKAKALIMUTAN BILANG PERSEGIDO



~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Ipinasa nina:
Patricia Ann M. Martires
Redgiena Anne K. Sobremonte 
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Unang araw sa eskwela
"Feeling close" sa iba
Gugustuhin pang makisalamuha 
Kaysa mag-isa

Maraming buwan na dumaan
Patuloy pa rin ang samahan
Seksyong Persegido
Ito'y ipagmamalaki ko

Ngayo'y tatlong buwan na ang nalalabi
Pakinggang mabuti ang magmumula sa aking labi
"Maraming salamat sa lahat"
"Tayo'y isang tunay na alamat!"

Marami na tayong isinakripisyo
Mga magulang minsa'y nagrereklamo
Nag-aaral hanggang madaling araw 
Para sa ikabubuti pagdating ng araw

Minsan gabi na kung umuwi 
Pag nanalo nama'y pagod ay napapawi
Hindi maiwasan ang magulang ay magalit
Pagmamahal ng anak ay walang kapalit


Hindi lang mga Magulang at Guro ang marunong Magsakripisyo

Ang Mga Sakripisyo ng Isang Estudyante

ni Leander de Jesus at Ronn Tamayo


  1. - Ang pagabot sa pangarap at ambisyon ay nangangailangan ng sapat na kaalaman
  2. - Sa tamang prinisipyo at pagkilos o kung ano ang iyong pinaghirapan ay siyang bubuo sayo kahit kailan man
  3. - Lumusot sa ibat ibang klaseng butas ng karayom hangang sa magtagumpay sa iyong pangarap
  4. - Gaano man kahirap kailanan magsikap para sa pagdating ng hinaharap
  5. - May maipagmamalaki ka sa iyong sarili at hindi maging problema ang pagahon sa hirap
  6. - Ang pag aaral ng mabuti ay isang solusyon para sa lahat ng tao, kayang baguhin ang buhay mo sa isang iglap
  7. - Kahit ilang beses ang pag kurap ng mga mata mo sa pagsubok ng buhay
  8. - Dadating ka sa panahon na ang lahat ng hirap mo sa pagaaral ay may pinatunguhan
  9. - Ang pagsisikap na tunay ang magaahon sa bawat buhay ano mang estado
  10. - Basta't may kasipagan at busilak na puso, kaya mong gawing totoo ano man ang iyong balak sa mundong ito.

BILANG ISANG MAG AARAL



"BILANG ISANG MAG-AARAL"
ni Ysabelle Miranda at Patricia Alejandrino


⇗⇗⇗⇗⇗⇗⇗⇗⇗⇗⇗⇗⇗
Image result for estudyanteng nag aaral clipart
⇙⇙⇙⇙⇙⇙⇙⇙⇙⇙⇙⇙⇙
Bilang isang estudyante, ako'y mag aaral ng mabuti upang sa hinaharap hindi maghirap. Ako man ay minsa'y tamad, pero ni minsan ay di ako bumagsak.
Sa paaralan marami akong naranasan at natutunan. Natutong makisama at makibagay sa iba. Kahit minsan ay napapagalitan kasama ang kaibigan, kami ay magkakasama pa din sa oras ng kagipitan.

Sa oras ng klase, minsan ay wala sa sarili pero asahan mo ako'y papasa pa rin.

Sa loob ng 10 buwan tayo ay magkakasama at siguradong kilalang kilala na ang isa't isa, may simple, elegante at disente. Kaya atin ng sulitin ang natitirang panahon dahil siguradong mamimiss natin ang mga nakasanayan noon.

Salamat sa ating mga guro na ang hangad sa atin ay kabutihan at katalinuhan, pati na din sa mga kaklase natin na ubod ng saya kasama, kahit sila ay bully at mapangasar pa minsan, sila pa din ang kasama natin sa oras ng tawanan at galaan.

12/03/2016

Pakikipagsapalaran Ng Isang Estudyante

 Pakikipagsapalaran ng Isang Estudyante
ni Geraldine Gregorio, Patricia Bernardo at Irene Armeza

 Isang estudyanteng puno ng gawain,
 Ang makatapos ay sisikapin.
 Para sa mga magulang,
 Na kailanman ay di nagkulang.

 Sapagkat ako ay bata pa,
Dapat buksan ang mga mata.
Mga matang nakakakita
 Ng makukulay na saranggola.

 Magkabilang tengang may naririnig,
Pakpak na mahina ay kikisig.
Sana'y kami'y dinggin,
Kami'y ordinaryong naghihirap din.

Magpakatatag sa hamon ng buhay,
 Sa lahat ng sibat ay magpakatibay.
Ang tropeyo'y tatak ng tagumpay,
Diploma'y magandang kinabukasan ang binibigay.

Pakikipagsapalaran sa Bahay Eskuwela

     Pakikipagsapalaran sa Bahay Eskuwela
     ni John Erwin M. Reyes at Colleen Joeli P. Dela Cruz
      
Ako'y isang simpleng estudyante 
Na ang pag-aaral ay importante 
Hirap man sa pinansyal
Ngunit ito'y hindi naging sagabal

Sa bawat panibagong umaga
Sa bawat pagmulat ng mga mata
Pag-asa'y muling hinahangad
Para sa pangarap na nais matupad

Mahihirap na pagsusulit ay hindi maiiwasan
Pinag-aaralan ng mabuti upang malagpasan
Hindi man kasing husay ni Rizal
Nagsusumikap parin sa pag-aaral

Sa Diyos humihingi ng gabay 
Para sa mahaba pang paglalakbay
Hindi pinanghihinaan ng loob
Kahit ilang beses pang sumubsob

Marami ang mga pagsubok na hinaharap
Ngunit hindi parin tumitigil para sa pangarap
Hindi nagpapatalo sa mga pagsubok 
Dahil isa lamang itong simpleng alikabok

Ang paghihirap ng isang estudyante

Ang paghihirap ng isang estudyante
Ni Danielle Sengco at 
Joshua Asi

Heto na naman tayo sa panibagong taon
Ang buhay ng isang mag-aaral ay napakahirap
Mga hindi kaaya ayang sorpresa ngayon
Dahilan kung bakit tayo nagiging mailap

Bakit ba natin nasasabing ito ang nagpapahirap sa atin ngayon
Kung lahat naman ay kayang malagpasan sa buong taon
Marahil napapagod tayo sa sunud sunod na proyekto at gawain
 Ngunit andiyan ang Diyos, halina't tayo'y manalangin

Nuong bata pa tayo
Ang paghihirap ay di pa gaano
Tila mabagal pa nga ang oras
At sa oras ng pagtulog, tayo'y puno pa ng lakas

Ngunit ngayong hayskul na tayo
Tila hinahabol tayo ng oras
Iyon bang akala natin ang pasahan ng proyekto ay malayo
Ayun pala malapit na, ay! malas

Ang isang taon ay mabilis na lilipas
Mga paghihirap, kami ay dumaranas
Sa paaralan naroon ang ating mga kaibigan
Nagsisilbing mga kapatid na hindi kadugo naman
Mga titser na nagsisilbing pangalawang magulang
At ang paaralan, nagsisilbing pangalawang tahanan

Ngunit sa kabila ng lahat ng paghihirap 
Sa bawat pagsubok na kinakaharap
Mayroong aral na mapupulot
At bagong karunungang mahahakot

Tayong mga estudyante, tiis muna sa hirap
Dahil balang araw maaabot din natin ang ating pangarap
Huwag natin sayangin ang biyayang ito
Sasayangin pa ba natin ang pagkakataon?

Huwag natin kalimutan ang mga kapos palad
Sa kahirapan ay 'di makausad
Hindi man lang nakapagtapos mag-aral
Di natitiyak kung ang pangarap ay matutupad

Maswerte parin tayong mga estudyante 
Ngunit hindi dapat makampante
Pagbutihin ang pag-aaral tayong mapapalad
           Nang sa ganuon ay makamit ang                                         hinahangad

Buhay Estudyante

↣↣↣↣↣🔽↢↢↢↢↢

Buhay Estudyante

ni Althea Remias at Yves Cambay

↣↣↣↣↣🔽↢↢↢↢↢


O buhay nating estudyante
Ay hindi pwedeng pakampante
Mga mahirap nating leksyon
Kailangan bigyang atensyon
At ito'y laanan ng aksyon

Mga proyektong o kay dami at kay hirap
Kapalit ay gradong kasing taas ng ulap
'Kay sarap makamtan ang bunga ng pagsikap
'Sing sarap ng pakiramdam sa alapaap
Proyektong kay hirap,kapalit 'man ay sarap

Mga gurong kailangan nating pakisamahan
Mga gurong masungit ngunit mabait din naman
Mga gurong strikto pagdating sa mga gawain
Ngunit magpagbigay sa grado lalo sa pagkain
Mararamdaman ang pagmamahal nila sa amin

Sa bawat araw ng pag-gising
Umagang tila kay hirap gumising
Mahuli man sa aming pagdating
Nangangarap pa din sa pag ningning
Sa mga pangarap naming sining


Ang bawat estudyanteng lumilipad
May mga  pangarap na gustong matupad
Kabataang umaasa sa pag unlad
Mabubuting mungkahi ay ipatupad
Upang makamtan ang ating hinahangad.
















PAKIKIPAGSAPALARAN NG ISANG MAG-AARAL




Paano Mag-Post?


Magandang araw, kamag-aral. Paano ba mag-post sa blog natin?


SIGNING IN

- Pumunta sa ating website ( http://xpersegido.blogspot.com/ )

- Mag-sign in. Gamitin ang binigay kong E-mail at Password. (makikita sa GC)

- Pindutin ang "New Post".





POSTING


Unang Hakbang: Lagyan ng titulo.


Pangalawang Hakbang: 

Kung ang iyong ginawang proyekto ay isang komik strip, pindutin ang "picture" icon katabi ng icon sa "link" at ang icon sa video.




Kung ang iyong ginawa ay isang tula o maikling kwento ay i-type nalang ito.



Pangatlong Hakbang: Kapag natapos na ang iyong ginawa, maari mo na itong i-"publish"

.



 ---Huwag mong kalimutan ang mga pangalan niyo!---