persegido

persegido

12/06/2016

Ang bukas ng prinsipyo sa pag aaral ni Leander De Jesus at Mr. Ronn Tamayo

Ang pagabot sa pangarap at ambisyon ay nangangailangan ng sapat na kaalaman
Sa tamang prinisipyo at pagkilos o kung ano ang iyong pinaghirapan ay siyang bubuo sayo kahit kailan man
Lumusot sa ibat ibang klaseng butas ng karayom hangang sa magtagumpay sa iyong pangarap
Gaano man kahirap kailanan magsikap para sa pagdating ng hinaharap 

May maipagmamalaki ka sa iyong sarili at hindi maging problema ang pagahon sa hirap
Ang pag aaral ng mabuti ay isang solusyon para sa lahat ng tao, kayang baguhin ang buhay mo sa isanh iglap
Kahit ilang beses ang pag kurap ng mga mata mo sa pagsubok ng buhay 
Dadating ka sa  panahon na ang lahat ng hirap mo sa pagaaral ay may pinatunguhan

Ang pagsisikap na tunay ang magaahon sa bawat buhay ano mang estado
Basta't may kasipagan at busilak na puso, kaya mong gawing totoo ano man ang iyong balak sa mundong ito.
Katotoohanan ng mundo iyong tanggapin ng buong pagkatao nakasalalay sa iyo ang daang tatahakin
Sa malubak na daanan ng pagsisikap o sa patag na daan ng katamaran hawak mo ang kinabuskasan na iyong hahamakin

12/05/2016

KAKAYANIN! [Pakikipagsapalaran ng Isang Mag-aaral] ni Krystyn Reyes



LUNES AT BIYERNES

                                                        LUNES AT BIYERNES
                                             ni Fatima Cruz


Image result for student studying clipart
Araw ng Lunes
Araw ng Biyernes
Dalawang magagandang araw na minsa’y nakaiinis
Kung Lunes ay lagi na lang nagmamadali
at tila sinisilaban ang katawang di mapakali.

ano baga’t ang araw na ito ay minsang kinababagutan 
ng mga guro at mga mag-aaral
pag sinabing Lunes ay nariyan nag-aabang 
ang kayraming gawaing lubhang kinaaayawan.

Bagaman kung minsa’y laging hinihintay 
ang pagdating at pagdapo sa bawat kamay
kung may balitang magandang pakinggan
ang Lunes ay minamarapat na agad makamtan.

Sa kabilang dako ang Biyernes naman ay kaytagal
dumapo sa makakalyong kamay
mga kamay na napagod sa isang linggong paglalakbay
kasama ang isip na nanlulupaypay.

12/04/2016

IKAW AT AKO: BILANG ISANG ANAK AT MAG AARAL ni Elaine Tuzon at Jef Dominic Mariano

Maging isang anak at mag aaral hindi biro para sa amin
Madali man tignan, ngunit mahirap gampanin
Bawat responsibilidad ay nararapat gawin
Hamon ng buhay ay dapat na sikapin.

Tayong mag aaral ay dapat mahing masinop at masipag
Dahil ang pag aaral ang susi sa ating pag unlad
Hindi nababase ang galing ng estudyante sa grado niya sa klase
Kundi ito ay nakikita sakanyang mga diskarte

Mapagmahal, masinop at magalang
Tuwa at kasiyahan hatid sa magulang
Bawat tagumpay labis na ikinagagalak
Iyan ang isang tunay at maipag mamalaki mo na anak

Oras at panahon ay buong lakas na inilalaan
Para sa mga dapat na pagkaabalahan
Bawat pag gawa ay pinahahalagahan
Anumang pagod, sa huli ay may kaginhawaan

Tayo bilang isang anak at ang aaral
May tungkulin na dapat gawin, 
Mahirap kung isipin  madali kung gagawin
Sa lahat ng pag subok pangakong haharapin
Nang sa gayon ay mas lalo pa tayong patatagin

Halina't gumising na sa maling gawain
Mag simula ng panibagong itatanim upang may anihin
Maging isang modelo sa kapwa tao
ako, ikaw, tayong lahat ang pag asa ng sambayanang pilipino

Makipagsapalaran ka, Perse!


Makipagsapalaran ka, Perse!
ni Rhianne Jewel Alcantara at Quinn Allyjayne Chua Tan Guat


⇎⇎⇎

Marahil ay gasgas na itong paksa na sasambitin
Natalakay na ng maraming beses din 
Ngunit narito ako para ipaalala muli
Itong pagkakataon na 'di basta nakukuha ng marami


Tulad mo ako rin ay isang ordinaryong estudyante
Binibigay ang lahat para sa gradong ekselente
Pero hindi ito nakukuha sa isang iglap
Maiiyak muna sa sobrang hirap


Puyat, utak, at oras ang naging puhunan
Walang mangyayari kung 'di ka makikipagsapalaran
Sa aklat, guro, at magulang doon lahat inutang 
Sa huli, napawi din lahat ng kapaguran


Itong taon, tinuruan mo akong itaya
Ang mga bagay na 'di ko inakala
Kaya sinubukan at nagulat ng 'di nabigo
Lahat ng pangamba ay naglaho


May mga pangyayaring 'di maganda
Meron din namang sobrang saya
Ngunit mas lamang ang hirap
dahil dito, tinulak ako upang mas magsikap


'Kay bilis ng panahon
Tatlong buwan na lang itutuon
Ang lahat ng atensyon 
Sa bawat leksyon


Masakit mang isipin
Darating sa punto na ating lilisanin
At wala nang magagawa pa
Kung 'di balikan na lamang ang mga araw na masaya


O' pangkat Pursigido, maraming salamat sa iyo
Taong 2016-2017 sa amin mo ipinatamo 
Ang 'di inaasahang mga pagkakataon
Na magpapabago sa dapat naming itungo


Sa inyo din, mahal na guro, Gng. Raqueliza Permejo
Sa walang hanggan mong panunuyo
At pagmamahal mo sa seksyong ito
Nawa'y maramdaman mo ang aming pagmamahal na totoo


⇎⇎⇎

Tula Ng Isang Mag-aaral



Tula Ng Isang Mag aaral
ni France Ramos & Lance Serrano
ako ay isang mag aaral na nangagarap hangad ay maayos na kinabukasan para sa hinaharap ay di maghirap nang ako ay walang pag sisihan bukas sa paaralan ako ay nag aaral bagong kaalaman aking natututunan araw araw ngang nagsisikap ng lubos sa mga pag susulit ay di sumusuko buhay ko'y wala pang kasiguraduhan kaya ngayon ay pinag sisiskapan sa diyos ako'y humihingi ng gabay para sa aking mahabang pag lalakbay aking ama't ina salamat sa lahat utang na loob ko aking buhay di man kasing talino ni jose rizal sisikapin makamit ang minimithi mga kamag aral wag na mag patumpik tumpik pag aaral muna ang asikasuhin nang ating mga magulang hindi malungkot upang pangarap ay aking makamit at para sa mga aming mabuting guro salamat sa maliligayang pag tuturo para sa mag aral na katulad ko hangad ko ay kaginhawaan ninyo

Ang Pakikipagsapalaran ng Anak sa Pag-aaral

Ang Pakikipagsapalaran ng Anak sa Pag-aaral
PJ Panao